Menu

BALIK-TANAW

“KALAYAAN 2013: AMBAGAN TUNGO SA MALAWAKANG KAUNLARAN“  

kalayaan1Isang-daan at labing limang taon sa kasaysayan ng Pilipinas mula ng isinilang ang ating kalayaan sa pananakop ng mga banyaga. Ang bilang na ito ay naidagdag sa ating kasaysayan na dapat natin ipasalamat sa ating magigiting na mga bayani dahil sa kanilang pagpupunyagi na tayo’y makalaya sa mga mapang-api’ng kamay ng mga mananakop. Gat Jose Rizal, Andres Bonifacio, Marcelo H. Del Pilar at marami pang iba. Sila ang mga magigiting nating mga bayani na pumukaw nuon sa dakilang apoy na naglalagablab sa puso ng bawat Pilipino kung saan ang tanging hangad lamang ay kalayaan. At dahil sa kanilang katapangan nakamit natin noong ika labing-dalawa ng Hunyo taong Isang libo, walong daan, at siyam napot-walo.

          Sa bawat pagaspas ng ating mahal na watawat, pinapa-alala nito sa atin ang mga inalay na dugo at buhay ng ating magigiting at dakilang mga bayani at mandirigma upang makamit natin ang tinatamasa ngayong kalayaan. Sa bawat pagsambit at pagkanta natin sa ating Pambansang Awit na Lupang Hinirang ay pinapahiwatig nito ang ating pagka Pilipino kung saan bawat isa sa atin ay may tungkulin na dapat gampanan para sa ating Inang Bayan. Tungkulin na mapanatili natin at sa sumosunod na henerasyon ang init sa puso ng bawat Pilipino dahil sa pagmamahal sa bansang Pilipinas.

          Sa pagbalik-tanaw sa nakaraang Isang-daan at labing-limang taon, dapat isa-puso natin bilang isang Pilipino ang kahalagahan at pag-alala kung paano natin nakamit ang isa sa mga pinakamahalagang pangyayari sa ating kasaysayan upang sa darating na panahon ay mapabahagi natin ito sa mga sumusunod na henerasyon.

          Dahil dito, bilang pasasalamat sa mga dakilang nagawa ng ating mga matatapang at magigiting na bayani, ang Lokal na Pamahalaan ng Dalaguete sa pangunguna ng Ama ng Lungsod na si Hon. Ronald Allan G. Cesante, ay nakiki-bahagi at nakiki-isa sa pagbubunyi sa  pambansang selebrasyon na ito, ang “115th Philippine Independence Day” kung saan may maikli na programa at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Gat Jose Rizal sa may Rizal Park, Poblacion, Dalaguete, Cebu.   

 

 kalayaan2 kalayaan3   kalayaan4

   

Business Directory

Go to top